Ang Dumaguete ay kilala bilang "The City of Gentle People" na kung saan, isa ito sa pinupuntahan ng mga turista sa bansa. Kilalang kilala sa lugar na ito ang tinaguriang Bell Tower na itinayo noong 1811. Tinayo ito sa panahon ng mga Kastila at nagsilbing "watchtower" ng mga Dumagueteño upang maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili sa kapahamakan dulot ng mga mananakop na Moro. Sila ay nagtangkang sumakop at dumukot ng mga mamamayan upang maging alipin. Dahil sa pangyayaring ito, Ang Bell Tower ay nagsilbing simbolo ng lungsod ng Dumaguete. Palatandaan ng karanasan ng ating mga ninuno.
Ang Campanario de Dumaguete o mas kilalang Bell Tower ay ang pinakalumang Belfry sa probinsiya ng Negros Oriental. Ito ay napakataas at mala-higante kung tingnan. Mayroon itong groto ng "Our Lady of Perpetual Help" at maliit na hardin sa lilim nito. Matatagpuan ang Bell Tower sa kalye ng Perdices malapit sa "St. Catherine of Alexandria Cathedral Church" na tapat ng Quezon Park. Malapit din ito sa kumbento. Sa gilid nito, mayroong mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng mga kandila, rosaryo at iba pang panrelihiyong gamit.
Masasabi itong prestihiyusong dapat ipagmalaki. Pinakatanyag na estruktura ng arkitektura at ito ay naging parte ng kasaysayan. Hanggang ngayon, marami parin ang dumadayo. Mga dayuhan man o taga ibang probinsiya. Nagsisindi ang mga tao ng kandila sa tapat ng groto at higit sa lahat, taimtim na nagdadasal sa kani-kanilang panalangin sa poong Maykapal. Magandang puntahan ito kapag kasama ang buong pamilya at mahal mo sa buhay. Lalong lalo na tuwing linggo kapag magkakasamang nagsisimba at didiritso na sa Bell Tower pagkatapos ng misa.
PAANO PUMUNTA?
* Mula sa Dumaguete Airport o sa Sea Port ng Dumaguete, sumakay ng traysikel patungong Dumaguete Bell Tower, 10 minuto lang ang biyahe.
* Kung gusto mong magpasyal, mas maigi kung maglakad, mula sa piyer, magbaybay sa Rizal Boulevard hanggang Bethel. Lumiko ng pakanan sa kalye ng Legaspi. Pagdating sa kalye ng Perdices, lumiko ng pakaliwa. Mga ilang metro nalang, makikita mo na ang Bell Tower.
Maganda ang iyong pagkagawa at tamang-tama ang iyong pagkapili sa topic dahil nakatutulong ito upang mapalago ang tourismo sa ating lugar.
TumugonBurahinChada!
TumugonBurahinVery informative ��
TumugonBurahinMahusay ang mga detalye na nabanggit. Isa yan sa mga tourist spots dito sa Dumaguete.
TumugonBurahinPalagi akong pumupunta dyan.
TumugonBurahinAng tower na ito ay isa sa mga pinakamatandang tower na hanggang ngayon pinupuntahan parin ng mga tao para mg sindi ng kandila.
TumugonBurahinMasasabi kong isa yan sa mga lugar sa Dumaguete na may historical value.
TumugonBurahinIsa ito sa mga tourist spots dito sa Dumaguete. Maganda ang iyong pagkagawasa iyong blog. Nakakatutulong ito sa pagtuturismo dito sa Dumaguete.
TumugonBurahinthis is really a nice place to spend quality time with your family & friends 😊
TumugonBurahinsna makapunta ako ulit 😀
when you are around dumaguete and lose track, you can easily get back as long as you know where the campanario is. it is one of the wonderful trademarks of the city. basta dumaguete, chada!
TumugonBurahinNice������
TumugonBurahinMaganda ang pagkakalarawan sa mga detalye tungkol sa Campanario ng Dumaguetesa blog na ito. Tunay nga namang isa ito sa mga tanawin na dapat puntahan pag gusto ng mga turista na pumunta sa Dumaguete.
TumugonBurahinBlessed that i drop at your blog 😇 I gain a lot of information about the astounishing beauty of Dumaguete. 🏬 Thanks! Blogger
TumugonBurahinProud to be from Dumaguete. Salamat sa information at detalye sa "Bell Tower". Ipinahiwatig sa family close ties. You have your point of family bonding and religious side of being a Filipino...
TumugonBurahinBut "Bell Tower",it's one good sight of the place,Dumaguete. Salamat.
You should make an English version to it...for the tourist...
TumugonBurahinThank you.
Groto nga ba ng Our Lady of Perpetual Help ang makikita sa mismong Campanario?
TumugonBurahin